Paano nga ba makitungo sa mahiyaing kasintahan

Sabi ng karamihan, ang mga mahiyaing lalaki ay maunawain, palaisip at magaling mag-obserba. Subalit, ang pakikipag-date sa tulad nila ay maaaring maging pagsubok sa mga babae.

Kapag ang iyong kasintahan ay nagkukulong sa kwarto kapag kayo ay may bisita, iniiwasan ang pakikisalamuha at mahiyain, kakaharapin mo ang ilang seryosong hamon lalo na kung kabaliktaran mo siya't nasisiyahan ka sa paligid ng mga tao.

Narito ang ilang tips kung paano ka makikitungo sa iyong kasintahan

Panatilihin ang pagiging simple

Magplano ng simple, hindi ganoon ka grandosong aktibidad tuwing kayo ay lalabas. Sa ganitong paraan, hindi siya ma-stress sa pakikihalubilo sa maraming tao. Mas magugustuhan niya ang mga oras na magkasama kayo kung susubukin niyo ang mga kakaibang date tulad ng picnic o 'di kaya naman ang pag-akyat ng bundok.

Lumahok sa mga aktibidad na magpapalaki ng kanyang tiwala sa sarili, tulad ng paggawa ng mga tinapay, paglalaro ng video games at paghahardin. Ngunit ang mas importanteng bagay ay parehas kayong nasisiyahan sa isa't-isa.

Iwasan ang pagiging madaldal

Huwag mong pupunan ang kanyang katahimikan sa walang tigil mong pagsasalita. Ang mahiyain mong kasintahan ay nadadaliang katabi ka kahit na wala kayong nagiging palitan ng mga salita. Magugustuhan ka niyang kasama bagamat sa katahimikan. Sa totoo lang, madalas na naipagkukumpara nila ang kanilang nga sarili sa mga taong madadaldal o 'di kaya naman ay sa mga mabilis lang pakisamahan.

Kaya, kapag masyado ka ng nagsasalita at hindi siya nagbibigay ng pantay na kasagutan, maaaring maramdaman niyang hindi siya ganoon kabuti para sa'yo. Sa mga panahon na kalmado kayong magkasama, subukan mong magparamdam ng mga malalambing na galaw tulad ng paghawak sa kanyang kamay o pagsandal ng iyong ulo sa kanyang balikat. Maaari ka ring magsalita ng mga paksang komportable siya, na may interes siya o kanyang mga karanasan.

Gumawa ng unti-unting paraan para makilala siya ng iyong pamilya

Huwag mo siyang pipilitin na kailangan na niya agad na makilala ang iyong pamilya dahil maaaring malalang stress lamang ito sa kanya. Pwede mo naman siyang unti-unting ipakilala. Mag-sagawa ng simpleng kainan na kasama siya at ang magulang mo. Ito ay hindi gaanong nakakahiya kaysa ang ipakilala siya sa buong pamilya.

Maaaring mag-imbita ka rin ng kaibigan o ng isa pa kapag kasama mo ang iyong kasintahan. Sa ganitong paraan, magsisimula na siyang maging komportable sa paligid ng mga tao sa buhay mo. Tulungan mo ang mahiyain mong kasintahan na maging bukas sa kanyang buhay sa iyong mga kaibigan at pamilya at dapat malaman nila ng mas maaga ang kanyang istorya at personalidad. Matutulungan nitong malaman kung paano nga ba sila makikitungo sa kanya.

Pwede ka ring magsabi tungkol sa kanyang mga interes at mga nagawa. Malaki ang tsansa na hindi niya sasabihin ang mga bagay na iyon ng boluntaryo. Makatutulong itong mapalaki pa ang kanyang tiwala sa sarili dahil may naniniwala sa mga kaya niyang gawin.

Magpakita ng pagkalma kahit na nahihirapan

Panatilihin ang pagiging kalmado kapag nagkakaroon na ng hiyaan sa mga sitwasyon na kasama ang iba. Kapag nakakaramdam na siya ng kaba sa paligid ng ibang tao, pahabain ang pasensiya at ipakita sa kanya na kasama ka niya para suportahan siya sa kahit saan man.

Halimbawa, kapag dinala mo siya sa kasiyahan sa inyong opisina, hawakan mo ang kanyang kamay habang buong-puso mo siyang ipinakikilala sa iyong mga kaibigan. Magpaparamdam ito na mahalaga siya.

Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para maiwasan na mailabas ang kanyang hiya dahil lalo lamang itong lalala. Iwasan mo rin na pansinin ang labis niyang pananahimik sa harap ng ibang tao.

Hikayatin siya at palaguin pa ang kanyang sarili

Tulungan mo siyang mapaayos pa ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga positibong pag-ayon sa kanya. Sabihan mo siya ng mga bagay na magpapalago ng kanyang tiwala sa sarili. Mararamdaman niyang siya ay katanggap-tanggap at isang kayamanan.

Magsabi ka ng mga panahon na siya ay naging matulungin, matalino at magalang. Ang mga papuri ay nakapupuno sa pagkukulang at nagpaparamdam na siya ay minamahal at katanggap-tanggap.

Relax at pahabain ang pasensya kapag nakikitungo sa isang mahiyaing lalaki dahil mas kinakailangan nila ng mas maraming oras para lumabas sa kanilang kahon. Huwag mo siyang bibigyan ng diin na maging tulad mong magaling makitungo sa iba at maging masaya na lamang na mayroong mapagmahal na lalaki ang nasa tabi mo.

May iba ka pa bang suhestiyon para mailabas sa kanilang tunay na pagkatao ang mga ganitong lalaki? Magbahagi ng
suhestiyon sa mga komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Deal WIth A Shy Boyfriend

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?