Isa sa pinakamagandang lugar upang makatagpo ka ng mga bagong lalaki ay sa bar, naging normal na rin ito dahil dito madalas pumunta ang mga tao para makahanap ng makakausap at makakalandian. Ang lahat ay nagkakaroon ng kasiyahan habang umiinom o nakikipag-usap. Ngunit, sa lahat ng pakikisalamuha at ingay na nangyayari sa iyong paligid, maaaring maging mahirap ang pagkuha ng atensyon ng isang lalaki at makipag-usap dito.
Habang maliit lang ang pagkakataon na magkaroon ka ng malalim na koneksyon sa isang lalaking nakikilala mo sa bar, ang pakikipag-usap sa kaniya ay isang magandang paraan upang malaman mo kung mayroon nga bang koneksyon ang namamagitan sa inyong dalawa.
Narito ang ilan sa mga tip.
Isipin mo ang iyong gagawing pagkilos
Katulad ng nabanggit, maraming makagugulo sa inyo sa bar. Maingay at maraming bagay ang nangyayari sa inyong paligid. Kaya, ang pupuwede mo lamang gawin ay bigyan ng pansin ang iyong mga gagawing pagkilos.
Lapitan mo siya ng may ngiti sa iyong mukha. Nakapagbibigay ito ng palakaibigang pakiramdam sa kaniya para maging komportable siya sa iyo. Kapag nagsasalita ka, tumingin ka sa kaniyang mga mata. Umurong ka papalapit sa kaniya kapag siya ay nagsasalita. Maaari mo ring gamitin ang ingay sa inyong paligid upang maging dahilan para makalapit ka sa kaniya kapag may sasabihin ka. Makatutulong din kung maglalagay ka ng pabango. Gusto ng mga lalaki ang mababango, kaya ang kaaya-aya mong amoy ay makakakuha talaga ng kaniyang pansin.
Makipagsagutan sa magaan na tanungan
Magtanong ka ng kaunting tanong, ngunit sa mga magaang tanong lang. Imposible naman na makapag-usap kayo tungkol sa mga seryosong mga usapin sa loob ng bar dahil sa ingay at sa kapaligiran na rin. Bagkus, doon ka na lamang sa mga simple. Maaari kang ding kumuha ng mga ideya sa mga bagay na nasa iyong paligid upang makaisip ka ng inyong mapag-uusapan, tulad ng klase ng inumin na mayroon siya, ang tugtugin o ano ba ang lagay ng bar. Kahit ano ay maaari. Maging interesante at malikhain ka lamang hanggat maaari at paniguradong gugugol pa siya ng mas mahabang panahon para makipag-usap sa iyo.
Magpakita ng interes
Sabihin natin na napasabak ka na sa pakikipag-usap sa isang lalaki, ipakita mong interesado ka sa pamamagitan ng pagtingin sa kaniyang mga mata. Magtanong ka rin ng karagdagang tanong para maipakita na nagbibigay ka talaga ng atensyon sa kaniya.
Bigyan din sila ng totoong papuri sa bawat pagkakataon. Gusto ng mga lalaki ang nakapagpapataas ng kanilang ego. Kapag may suot siyang bagay sa kaniya o maayos ang kaniyang gupit, ipaalam mo.
Kapag nagkasundo kayo, magbigay ka ng kaunting palatandaan na gusto mo pa siyang kilalanin, o gusto mo pang mapunta sa kung saan ang inyong usapan, tulad sa isang café, kainan, o restaurant.
Ngunit, kung hindi naman siya interesado katulad ng iniisip mo, maging magalang ka na lamang at magpasintabi sa inyong usapan at pumunta sa susunod na lalaki. Hindi naman kailangan na pumirmi ka lamang sa unang lalaking nilapitan mo kung wala naman talagang chemistry.
Gamitin ang mahika ng paghawak
Dahil ang mga usapan ay limitado lamang kapag nasa loob ng isang bar, dagdagan ito ng paghawak. Haplusin ang kaniyang braso, dikitan mo siya habang sumasayaw o gumawa ng pangungulit o paghampas sa kaniya habang tumatawa sa mga biro niya. Malalaman niyang interesado ka sa kaniya sa pamamagitan nito.
Maging sigurado ka lang na interesado ka sa kaniya bago mo ito gawin. Huwag mo siyang bibigyan ng halo-halong senyales kapag wala ka naman na talagang plano na makipagkita sa kaniya ulit.
Alamin mo kung hindi siya interesado
Harapin na natin ito. Hindi lahat ng lalaking lalapitan mo sa bar ay interesado sa iyo. Obserbahan mo ang kaniyang mga sagot at pagkilos. Kapag patuloy siyang lumilingon sa paligid, ngumingiti o kumikindat sa ibang babae, malaki ang tiyansa na hindi ka niya gusto. Kaya, ilayo mo na ang iyong sarili sa kahihiyan at maghanap ka na ng iba.
Kapag nalampasan mo na ang hamon sa pakikipag-usap sa isang lalaki sa bar, lalo na kung unang beses, hindi ka na mahihirapan pa sa susunod kung gagawin mo ito. Alalahanin mo ang mga tip na ito at handa ka na ulit.
May alam ka pa bang ibang paraan para makipag-usap sa bar? Magbahagi ng mga ideya sa mga komento sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: How To Strike A Conversation With A Guy At A Bar