Ang magandang ugnayan ay tinutukoy bilang isang malapit at maayos na relasyon sa kung saan ang mga tao o mga grupo ay nag-aalalang maunawaan ang damdamin o ideya ng bawat isa at ang maayos na pakikipag-usap.
Mahalaga sa negosyo ang pagbuo ng magandang ugnayan, tulad ng ito ay mahalaga sa pakikipagdate. Ito ay mahalaga dahil ito ay tumutulong sa pagbuo ng tiwala, at ang tiwala ay ang naghihiwalay sa hindi maayos na relasyon mula sa mahusay na relasyon. Binubuo rin nito ang iyong koneksyon at kaugnayan sa iba.
Bumubuo ang tao ng kaugnayan sa iba sa pamamagitan ng pagkuha ng oras upang makilala sila, nagtatanong ng mga makabuluhang mga katanungan at inaalala ang mga mahahalagang detalye.
Isa sa mga pinakamahalagang dahilan na kinakailangan sa pagbuo ng magandang ugnayan ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga interes. Ang kaparehong hilig ay mauunawaan ka saanman sa mga relasyon dahil kung ang isang tao ay nakakaintindi sa iyo ay makararamdam sila ng mas malalim na koneksyon sa iyo. Narito ang mga dahilan kung bakit ang ibinahaging mga interes ay makatutulong sa iyo sa pagbuo ng magandang ugnayan at pakikisalamuha sa isang tao:
Maaaring kayo ay may magkaparehong pag-uugali
Ang iyong pag-uugali ay nakaaapekto sa mga pagpiling iyong ginagawa sa pang-araw-araw na pamumuhay, pati na rin sa kung ano o sino ang iyong inuuna. Kung ang isang tao ay may kaparehong interes tulad ng iyong ginagawa (pamilya, kapaligiran, mga karapatang panghayop, at iba pa) malamang na ang mga ito ay may kaparehong pag-uugali tulad ng sa iyo kumpara sa iba na walang magkaparehong interes.
Hindi nila isasaalang-alang na isang kasayangan lamang ng kanilang oras ang pakikipag-usap sa iyo kung kayo ay mayroong magkabahaging interes at kayo ay may nabuong magandang ugnayan, kung magkagayon ang paglalaan ng oras nila para sa iyo ay hindi kasayangan ng oras dahil tunay na nasisiyahan silang maglaan ng oras at makipag-usap para sa iyo. Kung ikaw ay mahiyain, walang kwentang kausap, wala kayong pagkakapareho at nayayamot sila sa iyo kung magkagayon ay isinasaalang-alang nila ang pagpapalipas ng oras sa iyo na isang maling paggamit ng kanilang oras.
Mayroong isang mas malaking posibilidad ang magkabahaging hilig
Ang pagkakaroon ng magkaparehong hilig ay isa lamang magandang ugnayan na ipinasa sa iyo sa isang pinggang pilak. Kung kayo ay magkapareho ng hilig sa isang bagay, kayo ay maraming mapag-uusapan at magkasama kayo sa maraming gawain na pareho kayong nasisiyahan. Ang magkabahaging interes ay isang bagay lamang ngunit ang magkabahaging hilig ay bibihira lamang at nagbibigay sa iyo ng higit pang gawain.
Kayo ay may magkapareho ng sense of humor
Kung kayo ay parehong nasisiyahan sa komedya, pareho ninyong gustong maging sarkastiko o pareho ninyong napagalaman na si Amy Schumer na ganap na masiyahing maingay, ito ang lahat ng mahahalagang interes na mayroon kayong pagkakatulad. Ang rason kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng magkaparehong sense of humor ay dahil kailangan ninyong tumawa ng magkasama at magsaya ng magkasama kung hindi ay magiging boring ang inyong relasyon.
Mas magiging compatible ka
Kung makakahanap ka ng isang tao na maaari mong makasama, bahaginan ng kaparehong interes, kausapin ng maayos at may magkaparehong sense of humor─ito ay halata na kayo ay compatible. Alam mo na tugma ka sa isang tao kung napagtagumpayan mong bumuo ng mabuting ugnayan sa kanila dahil napakahirap bumuo ng isang magandang uganayan sa isang tao kung hindi naman kayo magkapareho. Ito rin ay napakahirap sa anomang uri ng relasyon sa isang tao maliban sa kung sila ay magkabagay.
Ang artikulong ito inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: How Shared Interests Are The Key To Building Rapport In Relationship