Ang “Honeymoon period” ay ang pinaka-masayang bahagi ng isang relasyon. Ito ang bahagi na ang magkasintahan ay kinikilala ang isa’t-isa at kung saan ang pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ay hindi pa kilala. Ngunit habang tumatagal na ang emosyon niyo sa isa’t-isa, gano’n din ang inyong relasyon; kaya mahalaga na may isa sa inyo ang dapat na maghanap kung saan ba tutungo ang relasyon niyo.
Ang problema sa pag-aalala kung naibabalik ba ang iyong nararamdaman ng iyong kapareha ay ang pinaka-malalang kwento ng isang romansa. Gayunpaman, may mga simpleng galaw para matugunan ito. At dagdagan pa ng kaunting lakas ng loob, malalagpasan niyo kung ano ba ang pinag-aawayan niyo.
Ibigay ang iyong oras at huwag magmadali
Iwasan ang pag-sabi ng “Mahal Kita” ng sobrang aga sa isang relasyon; hindi naman ito paligsahan kung sino dapat ang mauna na magsabi nito. Laging alalahanin na ang pagtitiyaga ay isang birtud. May mga taong gusto lang ng dahan-dahan at ‘yong iba naman hindi pa handa para sa susunod na hakbang ng inyong relasyon.
Ang kakayanan na makapaag-hintay ay magpapakita na may pakialam ka sa kanyang nararamdaman at binibigyan mo siya ng kasiguraduhan na nandiyan ka pa rin hanggang sa maging handa na siya.
Magpahayag sa pamamagitan ng effort
Pag-buksan siya ng pintuan ng kotse, ipahiram ang iyong coat kapg malamig ang gabi, o kahit na ang pag-papadala sa kanya ng text sa umaga ay ang mga simpleng gawain na tiyak niyang magugustuhan. Subukan ang mga ito sa tuwing date ninyo, maging sa pang-araw-araw niyong gawain.
Makipag-usap sa pamamagitan ng Body language
Ipakita sa iyong partner kung gaano ka ba nag-aalala at subukang bigyan siya ng comfort sa pamamagitan ng body language. Tumitig sa kanyang mata habang nakikinig ka sa inyong usapan, akbayan mo siya sa tuwing tumatawa siya, o hawakan ang kanyang kamay kapag nanonood kayo ng sine ng magkasama. Hayaan mong maramdaman niya na kapag nandiyan siya ay natutuwa ka at para bang kuntento na.
Huwag kang matakot na ipakita ang iyong commitment
Habang lumalalim na nag inyong relasyon, ang commitment ay tumitibay na rin. Ang commitment ay ang pagbibigay ng kasiguraduhan sa iyong kapareha na magkakaroon ka ng oras para sa kanya.
Ang isang paraan para ipakita ito ay ang pagpapakita mo kapag kailangan ka niya. Ikansela ang poker night para lang makanood ng sine kasama siya. Ibigay na ang ilang oras mo tuwing weekend na wala kang trabaho para sa isang magandang hapunan o ‘di kaya naman ay nandiyan ka sa kanyang tabi kapag naging masama ang araw niya. Ang mga maliliit na bagay na ito ay mukhang hindi naman ganoon ka-importante sa’yo ngunit sa isang babae, ikaw na ang magiging mundo niya sa tuwing magpapakita ka.
Magplano rin kayo ng mga gawain ng magkasama sa susunod pang mga araw. Ang mga effort na it ay magpapakita na hanggang dulo ka niyang makakasama.
Hintayin ang tamang panahon
Hanapin ang tamang panahon para sabihing mahal mo siya. Maghanap ng mga senyales na ganoon din ang kanyang nararamdaman. Damdamin ang kasalukyang nangyayari. Ang pag-sabi ng “Mahal Kita” pagkatapos mo siyang ihatid sa pintuan matapos ang inyong romantikong date ay mag-iiwan sa inyo ng kakaibang feeling na mapapa-isip ka sa loob ng ilang araw.
Laging maging handa sa isang paliwanag kung ano ba talaga ang ibig mong sabihin at ano ba ang inaasahan mo sa isang relasyon. At subukan ang lahat ng makakaya mo na huwag kang umasa sa wala namang dahilan. Minsan, hindi naman siya tutugon agad na mahal ka rin niya ngunit parehas lang din naman pala kayo ng nararamdaman.
Sa pagbubuod
Kapag pasok sa ideya mo ang pumasok sa isang pang-matagalan na relasyon, hindi mo naman kailangang mag-madali. Dahan-dahanin mo lang. Huwag mong bibigyan ng pressure ang iyong kapareha sa mga salita o ‘di kaya naman ay bigyan siya ng mga inaasahan mo sa kanya gayong hindi mo pa naman alam kung anong nararamdaman niya.
May naiisip ka pa bang paraan parea maipakita ang iyong pagmamahal sa iyong kapareha? Magbahagi nito sa mga komento sa ibaba!
Please click the link for English version: Taking Your Relationship To The Next Level