Ang galaw ng katawan tulad ng pagkindat ay maaaring maipahayag sa ilang mga piling salita. Ang ganitong uri ng di-pasalitang komunikasyon ay isang mabisang paraan upang malaman ng isang babae na ang isang lalaki ay may gusto sa kaniya ngunit maaaring maiba ang kahulugan nito depende sa konteksto.
Kung ang isang lalaki ay kumindat sa iyo, subukan mong obserbahan ang iyong kapaligiran. Ikaw ba ay nasa isang grupo ng magkakaibigan? Nag-iisa sa bar? O nakatayo sa labas ng club? Ano man iyon, ito ay maaaring makatulong sa iyo upang malaman kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagkindat na iyon.
Sa artikulong ito, ating aalamin ang ibat-ibang konotasyon ng panandaliang galaw na ito ngunit may matinding pagpapahayag ng sa gayon ay makapagpasya kang mabuti kung ano nga ba ang iyong magiging reaksyon kung kikindatan ka ng isang lalaki.
Ito ay senyales ng panloob ng katatawanan, o ito ay?
Sabihin nating nakikisalamuha ka sa isang grupo ng magkakaibigan. Ang lahat ay nagtatawanan sa isang partikular na paksa at kinindatan ka ng iyong kaibigan dahil kayo ay may parehong nakakahiyang karanasan kaugnay sa paksang iyon. Sa kalagayang ito, malinaw na kaya siya kumindat sa iyo dahil sa isang panloob na katatawanan sa pagitan ninyong dalawa; isang uri ng senyales na “huwag sabihin sa kahit na sino.”
Ngunit maaaring magbago ang kaniyang intensyon sa ilang Segundo lamang dahil kung iyong panunuorin ang galaw ng kaniyang katawan, mapapansin mong mas lumalapit siya sa iyo. Kung madalas niyang sinasabayan ang iyong pagtitig at madalas na tumitingin sa iyong mga mata maaaring mangahulugan ang pagkindat na iyon ng isang romantikong intensyon.
Sa kabila ng pangkaraniwang interpretasyong ito, maaaring ang pagkindat ay maging senyales rin ng pagtitiwala. Kikindat sa iyo ang isang kaibigan upang magtago ng isang sekreto na ang ibig sabihin ay nagtitiwala siya sa iyo na panatilihin itong lihim.
Digital na pagkindat
Kung ikaw ay nakararanas na ng pakikipagdate online, makakapansin ka ng mga digital na pagkindat na nangangahulugang pareho ninyong gusto sa social media. Dahil sa hindi umiiral ang pisikal na ekspresyon sa online dating, ang ganitong uri ng serbisyo ay ginagamit upang ipaalam sa isang tao na interesado ka sa kaniya. Mas madalas kaysa hindi, kung ang isang lalaki ay nagpadala sayo ng isang nakakindat na mukha online, maaari itong mangahulugan na siya ay romantikong interesado sa iyo at gustong makuha ang iyong pansin.
Gumawa ng paraan
Ang isang kindat ay maaaring magpabilis ng tibok ng iyong puso lalo na kung gusto mo ang taong nagbigay sa iyo ng pagkindat. Kaya kung ang isang lalaki ay kumindat sa iyo sa isang mapanuyong paraan, pag-isipan mong mabuti ang mga susunod mong gagawin. Kung hindi mo siya gusto huwag mo na lamang itong pansinin. Ngunit kung ikaw ay interesado at sinuklian mo ng ngiti ang pagkindat na iyon at sinusubukang sundan ang kaniyang mga tingin. Sa pagkakataong ito, siya ay gagawa ng paraan at makakakuha ka mula rito.
Pisyolohikal na kondisyon
Hindi lahat ng tao ay makakakindat kung kanilang nanaisin. Ang iba ay nakakakindat sa pamamagitan lamang ng isang mata at ang iba naman ay kusang napapakindat dahil sa pagod. Ang taong mayroong Tourette Syndrome ay maaaring makaranas ng kusang pagkindat. O maaari namang mayroon lamang naiwang bagay sa kanilang mga mata. Ano man ito, siguraduhing mabuti na tignan ang galaw ng kaniyang katawan upang mauunawaan ang kaniyang intensyon.
Konotasyon sa iba pang mga kultura
Bawat kultura ay alam kung paano kumindat, ngunit may kaakibat itong ibat-ibang kahulugan na naka-depende kung ano ang iyong pinagmulan. Sa mga kanluranin at ilang kultura sa Latin America, ito ay nangangahulugang mapanuyo o mapaglaro. Sa China at sa ibang bahagi ng India, ito ay nagpapakita ng hindi kanais-nais na pagkilos. Sa kultura naman sa kanlurang Africa, kumikindat ang mga magulang sa kanilang mga anak upang maging senyales na maaari na silang umalis ng bahay. Ginagamit nila ito sa pagkakataong may dumarating na bisita ngunit hindi alam ng kanilang mga anak na dapat na muna silang umalis.
Kung ikaw ay naglalakbay at nais mo ng kaunting romansa, maging maingat ka kung kanino ka kikindat. Kung ikaw ay may pag-aalinlangan, ang pagngiti at pagtitig ang isang unibersal na paraan ng pagpapakita ng interes.
Ano ang iyong opinion tungkol sa pagkindat? Nagustuhan mo ba ito o hindi? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: Winking: What It Really Means