Masaya at nakakapanabik ang pakikipag-date ngunit hindi lahat ng iyong makakadate ay kayang ibigay ang iyong gusto. Gugugol ka ng panahon upang mahanap mo ang tamang tao para talaga sa iyo. Kung ikaw ay sadyang mapalad, maaari mong mahanap ang tamang tao para sa iyo sa unang pagbabakasakali lamang. Ngunit, mas madalas kailangan mong dumaan sa ilan pang mga relasyon bago mo mahanap ang “siya ng nga.”
Kung ikaw ay nasa isang relasyon, o nagsisimula ka ng makipagdate sa isang tao at gusto mong malaman kung siya na nga ba si Mr. Right, mayroong ilang mga tanong na makatutulong upang mas maging malinaw ang mga kasagutan. Tandaan, hindi ito magiging isang interogasyon. Gamitin mo lamang ang mga katanungang ito kung nararapat sa ibat-ibang pagkakataon.
Itanong mo ang kaniyang palagay sa pakikipag-relasyon ng hindi direkta
Hindi isang sikreto na ang ilan sa mga lalaki ay allergic sa commitment. Gayunpaman, hindi tamang tanungin mo siya kaagad kung interesado ba siyang mag commit para sa isang pang matagalang pakikipagrelasyon sa iyo, lalo na sa unang pagkikipag-date o sa mga unang yugto ng pakikipagrelasyon.
Mayroong malaking posibilidad na layuan ka niya. Sa halip, ang maaari mong gawin ay masabi ka ng isang tanong kung saan ay hindi direktang sasagot sa iyong tanong tungkol sa kaniyang palagay sa pakikipagrelasyon. Subukan mo siyang tanungin tungkol sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay at ang kaniyang mga nagdaang relasyon. Kung ang ilan ba sa kanila ay nagtagal, mayroong malaking tiyansa na hindi siya natatakot na makipag-relasyon.
Itanong mo ang kaniyang mga nagdaang relasyon
Bukod sa pagtatanong sa kaniya tungkol sa kaniyang mga nagdaang relasyon, ang pag-alam kung saan ito napunta ay makatutulong upang makakuha ka ng mga ideya kung sino nga ba siya bilang isang boyfriend.
Bagamat, kung hindi ka komportable sa ganitong klase ng tanong, maaari ka na lamang magtanong kung papaano ang kaniyang pakikipag-relasyon sa kaniyang pamilya. Malalaman mo ang kaniyang mga kagustuhan bilang tao sa kung papaano siya nagkukwento tungkol sa kaniyang pamilya. Kung nagsasalita siya ng may buong paggalang at galak tungkol sa kanila, mayroong malaking posibilidad na maaaring siya ay isang mabuting boyfriend at ganoon din bilang isang asawa sa hinaharap.
Magtanong ng mga katanungang kung kayo nga ba ay para sa isat-isa
Ang pagiging magkabagay ay lumilikha ng isang malaking kaganapan na nagpapatibay ng pundasyon ng isang relasyon. Ang pag-alam kung ikaw nga ba ay bagay sa isang lalaki ay makatutulong sa iyo upang malaman kung siya na nga ba ang para sa iyo.
Ang katotohanan ay, kahit na gaano mo pa kagusto ang isang tao, kung ang paraan ng inyong pakikisalamuha sa isat-isa ay tulad ng kayo ay mga nilalang mula sa magkaibang mga planeta, ang tiyansa na gumana ang inyong relasyon ay maliit lamang.
Kaya, maglista ka ng mga bagay na mahalaga para sa iyo at tanungin mo siya kung ano ang kaniyang mga opinyon tungkol sa mga bagay na ito. Kung malaman mong mayroon kayong parehong pag-iisip, maaari mo itong gawing senyales na kayo ay bagay.
Itanong mo ang kaniyang mga plano sa hinaharap
Kung ang iyong pangarap sa hinaharap ay magkaroon ng pamilya, ang lalaki na iyong karelasyon ay dapat na mayroong kaparehong hangarin tulad ng sa iyo. Itanong mo sa kaniya kung ang nga ba ang kaniyang mga plano sa hinaharap. Alamin mo kung nakikita ka niya roon, at nais din ba niya ang mga bagay ng tulad ng sa iyo.
Kung nais mong magkaroon ng mga anak, ngunit hindi niya naman nakikita ang kaniyang sarili bilang isang ama sa hinaharap, maaari itong lumikha ng isang pagtatalo.
Gayunpaman, dapat kang pumili ng tamang pagkakataon kung magtatanong ka ng ganitong mga bagay. Iwasan mong itanong ito kung nagsisimula pa lamang kayong magdate dahil maaari itong makapagpabigla sa kaniya. Maghintay hanggang sa nararamdaman mo ng lumalalim ang inyong relasyon. Sa ganitong paraan, magiging komportable na siyang sagutin ang ganitong seryosong mga katanungan. Kung ang inyong mga plano sa hinaharap ay hindi nagtutugma, maaaring hindi siya ang para sa iyo.
Kung nahanap mo na ang “Para Sa Iyo,” ituring mong masuwerte ang iyong sarili. Dahil hindi lahat ay nakakakuha ng ganitong pagkakataon. Kaya, gawin mo ang lahat upang mapangalagaan ang inyong relasyon. Huwag mong hayaang mawala siya.
Ano ang iba pang mga paraan upang malaman mo kung ang lalaking ito ay si Mr. Right na nga? Ibahagi mo ang iyong mga nalalaman sa mga komento sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: Is He The One? Some Questions You Should Ask Him Before Deciding