Ang iyong boyfriend ay hindi basta basta nagsasabi kung nasasaktan na siya. Kapag nagsabi sayo na nasasaktan na siya dahil sa mga masasakit mong nasabi ay dapat mo itong seryosohin na may paggalang at katapatan. Halos lahat ng mga lalaki ay kayang baguhin ang kanilang emosyon para mapagtakpan ang sakit na kanilang nararamdaman, may hangganan din ang pasensya nila pero kaya sila pakalmahin ng kanilang kapareha kahit na sila pa ang may gawa nito.
Kapag ikaw ay may problema sa kanya at di mo kayang solusyonan. Ito ang mga payo na dapat mo ikonsider bago ka gumawa ng diskarte.
Mag-isip
Isipin mo mabuti ang mga sinabi mo, paano kung gawin niya sayo ang mga sinabi mong masasakit? Alamin mo muna kung ano ang mga sinabi mo sa kanya at isipin mo maigi kung bakit mo nasabi ito sa umpisa pa lamang.
Kapag nasaktan ang kanilang pride ay mahirap nang iconsole, sa mga sinabi mo na nakakasakit ng kanilang kalalakihan. Ang mga lalaki ay mataas ang emosyon pero kapag tinamaan mo ang kanyang kahinaan, responsibilidad mo itong ayusin.
Gayunman, Ang paghingi ng tawad ay hindi ibigsabihin ay nagkamali ka. Maaari kang humingi ng tawad sa mga bagay na nangyari na o sa mga nararamdaman niyang hindi maganda katulad ng kabiguan, pero hindi ito nangangahulugan na nagkamali ka.
Ihanda ang sarili
“lalaki ka, kumilos ka na na parang lalaki!” ito yung mga bagay na masasabi mo kapag galit ka. umiwas ka muna sa kanya at magpalamig bago may masabi ka pang iba. Paano ba kumilos ang “lalaki”? lagi ka bang “kumikilos na parang babae”? ang esterotipo ay laging nasa huli.
Kung nag-aaway kayo at nakapagsabi ka ng hindi maganda, mas makakabuti na umiwas ka muna at magpalamig ng ulo.
Kapag parehas na kayo nasa good mood, kausapin mo siya ng masinsinan at may paggalang para tanggapin niya ang iyong sorry. Itrato mo siya ng maayos kung hindi, pagmumulan na naman ito ng away. Habang humihingi ka ng kapatawaran sa iyong ginawa, siya naman ay nasasaktan. Huwag nang subukan maging mataas kapag humihingi ka ng tawad.
Magdagdag ng mga paliwanag
Ipaliwanag mo sa kanya kung bakit ka nakapagsalita ng hindi maganda at ipaalam mo sa kanya na naiintindihan mo ang mga dahilan kung bakit mo siya nasaktan. Ipaliwanag mo din sa kanya na nauunawaan mo yung mga pagakakamali mo, at hindi mo sinasadyang saktan siya. Naaappreciate nila ang mga katapatan, pagiging bukas at matibay na paniniwala kapag ikaw ay lubos na humihingi ng tawad.
Mangako
Gumawa ng mga sakripisyo at effort para sa kanya. Kung mahal mo talaga siya, gagawa ka ng mga paraan para makabawi ka dahil sa mga pagkakamali mo. Ang tunay na paghingi ng tawad ay hindi lang sa salita kundi sa gawa at intensyon mo.
Kapag sinabi mo na hindi mo na uulitin, dapat mong panindigan ito at bigyan solusyon ang mga problema. Kapag nakita niya ang iyong katapatan at mga sakripisyo ay madali ka niyang mapapatawad.
Maging matiyaga
Mahaba ang pasensya ng mga lalaki pero kapag nasira ito ay mahihirapan na silang magpatawad. Ang tao ay nagkakamali pero ang pagpapatawad ay dapat pahalagahan. Dapat ikaw ay mayroong pasensya, dedikasyon at pagbabago. Napakadali humingi ng kapatawaran pero kailangan mong patunayan ito sa gawa.
Sabihin na natin na dalawang araw na nakalipas ang inyong pag-aaway at pinaalala niya ito sayo. Kaysa magalit ka sa kanya, intindihin mo na lang ang kanyang mga idadahilan.
Kung nanloko ka, kailangan mong pagtrabahuhan ito ng matagal. Isa ito sa mga pinakamasakit na karanasan sa mga lalaki. Kung gusto mo pa makuha ang kanyang tiwala ay dapat mas maging matiyaga at gumawa ng mga sakripisyo. Siguraduhin mo na kaya mong kontrolin ang iyong emosyon. Putulin mo ang mga ugnayan sa iyong kalaguyo.
Ang mga lalaki ay hindi basta basta nasasaktan. pero mahina din ang kanilang emosyon kapag nasaktan tulad ng babae. Nag-away na ba kayo ng iyong boyfriend? Ilagay sa iyong isipan ang aming mga payo para masolusyonan ang iyong problema sa kanya.
Naranasan mo na ba ang sitwasyong ito? Paano ka napatawad ng iyong boyfriend? ibahagi ang iyong mga saloobin sa komento sa ibaba.
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: Tips On How To Apologize To Your Boyfriend