Paano Mo Mapapahanga Ang Iyong Bagong Boyfriend

Ilan sa mga kababaihan ay nakagagawa ng mga pagkakamali kapag nakikipagdate sa bagong lalaki, na kung saan ay nauuwi sa hiwalayan. Hindi kailangang maging ganito palagi.

Maaaring maiwasan ang paghihiwalay, ngunit posible lamang ito kung mahaba ang iyong pasensya upang unawain kung papaano gumagana ang isip ng isang lalaki. Upang matulungan ka tungkol dito, narito ang ilang sa mga tip upang mapahanga mo ang iyong bagong kapareha na iyong idinidate habang iniiwasan ang mga pagkakamaling karaniwang nagagawa ng mga kababaihan.

Magpakita ka ng effort sa iyong panlabas na anyo

Ang mga lalaki ay karaniwang panlabas ang nakikita. Ngunit hindi ibig sabihin nito na kailangan mong magsuot na pinakamamahaling damit at maglagay ng patong-patong na make-up bawat oras. Ang isang maliit na effort upang magmukha kang presentable at kasiya-siya ay makatutulong, lalo na kung lumalabas kayo para magdate. Gusto ng mga lalaki na ikinokonsidera sila kapag nagdedesisyon ang isang babae sa kung anong damit ang susuotin niya. Kung ikaw ay tamad sa pag-aayos ng maisusuot, ipakita mo na lamang sa kaniya na inaalala mo siya sa papamagitan ng pagbibigay ng effort para rito.

Alamin ninyong mabuti ang isat-isa

Nariyan siya at handang makinig kapag ikaw ay nagkaroon ng problema sa trabaho, o sa iyong pamilya. Ngunit hindi ibig sabihin nito na kailangan mo siyang itrato na boring sa lahat ng oras. Siya ay iyong boyfriend, hindi isang therapist. Alamin mo kung papaano gagana ang relasyon para sa inyong dalawa. Ipakita mo na gusto mo pa siyang mas kilalanin, at ganoon din ang gagawin niya para sa iyo. Alamin mo kung ano ang mga kinahihiligan niya. Kung gusto niya sa sports, maaari kayong manuod ng football game ng magkasama, Kung nais naman niya ng musika, maaari mong tugtugin ang paborito niyang kanta sa pagtatapos ng linggo.

Maglaan ka ng effort upang maunawaan mo siya at alalahanin mong palaging makinig kapag may gusto siyang sabihin. Sa ganitong paraan, magiging makabuluhan ang inyong pag-uusap. Hindi kinakailangang lalaki ang palaging gumagawa ng effort para sa isang relasyon. Marapat na pareho itong magmula sa inyo.

Huwag kang masyadong magastos

Saan mo gusto kumain? Anong klase ng regalo ang nais mong ibigay niya sa iyong kaarawan? Kung palagi ka na lamang nagdedesisyon ng mahal, maaari siyang magsimulang mag-isip na ang pagsama sa iyo ay maaaring magdala sa kaniya sa kahirapan.

Kapag gumagawa ng desisyon, isipin mo ang kaniyang mga gagastusin. Palagi mong alalahanin kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay. Hindi gusto ng mga lalaki ang magastos na babae, maliban na lamang kung magastos din sila sa kanilang sarili.

Tanggapin mo siya

Nakikipagdate ka sa lalaking ito dahil gusto mo siya. Kaya naman, huwag mo siyang baguhin at gawin sa kung ano ang gusto mo. Tanggapin mo siya, lahat-lahat.

Habang tumatagal, maaaring may mabago sa kaniya sa ilang mga bagay tungkol sa kaniyang sarili kapag nakita niyang hindi ka komportable sa kung ano ang ugali, personalidad, at pamumuhay niya. Ngunit ang pagbabagong ito ay dapat na magmula sa kaniya at hindi sa iyong mga utos.

Bigyan mo siya ng mahihingahan

Kailangan ng isang lalaki ng kaniyang personal na mahihingahan. Irespeto mo ito. Habang maayos lamang na nagpapalitan kayo ng mensahe sa text magmula pa noon, huwag mong iparamdam sa kaniya na pinapakailaman mo lahat ng mga nais niyang gawin.

Gusto ng mga lalaki ang may kalayaan sila. Huwag kang mag-atubiling alamin kung ano ang ginagawa niya kapag hindi mo siya kasama, ngunit huwag ka masyadong nakakainis. Pag-aralan mong pagkatiwalaan siya. Kung nasa sa iyo talaga siya, malaya siyang makikipag-usap sa iyo tungkol sa kaniyang buhay at ano pa man, na hindi mo na kailangan pang hingiin ang impormasyong ito sa iba.

Mayroong sariling kagustuhan ang mga lalaki, ganoon din ang mga babae. Sa isang relasyon, dapat na palagi mo itong alalahanin. Na mayroon kayong magkaibang bagay na maaaring ibigay. Ngunit ang pagkakaiba ay hindi naman talaga masama. Madalas, mas nagiging kawili-wili ang inyong relasyon dahil nakukuha ninyong matutunan ang mga bagong bagay mula sa isat-isa. Ganoon din, maaaring hindi siya sumang-ayon sa iyong mga opinyon sa lahat ng oras, kaya naman dapat na magkaroon ka ng malinaw na pagkakaunawa kung ano ang inyong mga pagkakaiba at alamin mo kung papaano makisalamuha sa kaniya. Ito ang paraan upang mapanatili mong interesado ang iyong bagong kapareha sa iyo.

Ano pa ang maaari mong maibahagi sa kung papaano mapapanatiling interesado sa iyo ang iyong bagong kapareha? Tulungan mo ang iba pang mambabasa at mag-iwan ng komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Impress Your Boyfriend

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?